Isang makulay at engrandeng gabi ang nasaksihan sa Sariaya Sports Complex sa isinagawang Cultural Fashion Show kahapon, Setyembre 10, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Sariaya Town Fiesta 2026.
Tampok sa nasabing programa ang mga natatangi at malikhaing disenyo mula sa iba’t ibang Fashion Designers ng Sariaya, na nagbigay-buhay sa mga kasuotang sumasalamin sa talento, sining, kultura, at pagkamalikhain ng mga Sariayahin. Layunin ng Cultural Fashion Show na bigyang-pansin at pagpapahalaga ang husay at talento ng mga lokal na fashion designers.
Isinagawa ang programa sa pangunguna ng Pamahalaang Lokal ng Sariaya, sa pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta, katuwang ang Sangguniang Bayan at ang Sariaya Tourism, Culture and the Arts Office (STCAO).







Add Comment