FIRST AID SEMINAR, INFORMATION, EDUCATION AND COMMUNICATION (IEC) FOR CLIMATE AND OTHER HUMAN INDUCED HAZARDS AND DISASTERS AND EARTHQUAKE DRILL

FIRST AID SEMINAR, INFORMATION, EDUCATION AND COMMUNICATION (IEC) FOR CLIMATE AND OTHER HUMAN INDUCED HAZARDS AND DISASTERS AND EARTHQUAKE DRILL

Ngayong Hulyo ay National Disaster Resilience Month at isa sa naging hakbangin ng Lokal na Pamahalaan ang paghahatid ng kaalaman kaugnay sa First Aid at mga aksyon sa pagharap sa mga sakuna sa loob ng apat na araw. Ngayong unang araw, Hulyo 21 ay naging kalahok rito ang mga kinatawan ng Person’s with Disability mula sa Bayan ng Sariaya bilang pakikiisa rin sa National Disability Rights Week at mga miyembro ng samahan ng LGBTQ at Men’s Opposed to Violence Everywhere (MOVE).

Ito ay pinangunahan ng tanggapan ng Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office na sila ring tumayong tagapaghatid ng kasanayan at kaalamang makatutulong sa ating mga kababayan. Layunin nitong mapaigting ang kakayahan ng bawat sektor sa pagharap sa sakuna o kalamidad sapagkat ang pagtutulungan nating lahat ay malaking ambag sa kaligtasan at seguridad ng bawat isa.

Add Comment