







Upang mas mapaunlad ang mga lokal na agrikulturang produkto ng Sariaya, binuksan sa publiko ang Tiangge sa Sariaya Agri Trading Center & Facilities na matatagpuan sa Brgy. Sampaloc 2 malapit sa Bagong Munisipyo ngayong araw, Hulyo 17 sa pangunguna nina Mayor Marivic T. Gayeta, Congw. Maria Cristina “Inday Tina” Talavera Lopez, Kon. Joel Cambel at MAO Amalee Amores.
Sa abot-kayang halaga, makakabili na ng mga gulay at prutas, maging ang sikat na lambanog at suka na gawa mismo sa Bayan ng Sariaya. Ito ay bukas sa publiko tuwing Biyernes at Linggo sa ganap na ika-7:00 ng umaga.
Patuloy na hinihikayat ang lahat na suportahan ang sariling atin at tangkilin ang mga organikong produkto.


Add Comment