NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK 

JULY 17–23, 2026

Sa pangunguna ng National Council on Disability Affairs, nakikiisa ang Pamahalaang Lokal ng Sariaya sa pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta at ng Sangguniang Bayan, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Persons with Disability Affairs Office (PDAO), sa paggunita ng 48th National Disability Rights Week. May temang “Rights First, Legislation Forward – Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development.” Alinsunod sa Proclamation na nagdedeklara sa Hulyo 17 hanggang 23 ng bawat taon bilang National Disability Rights Week, ginugunita ang pagdiriwang na ito upang higit pang isulong ang pagkilala, paggalang, at pagtataguyod sa mga karapatan ng mga taong may kapansanan.

Layunin ng pagdiriwang na ito na isulong ang pagkilala at pagsuporta sa mga taong may kapansanan, gayundin ang pagtataguyod ng kanilang dignidad, mga karapatan, at pantay na oportunidad sa lipunan.

Add Comment