DISTRIBUTION OF NEW TRICYCLE FRANCHISE AND BUSINESS PLATES

DISTRIBUTION OF NEW TRICYCLE FRANCHISE AND BUSINESS PLATES

Ipinamahagi ngayong araw, Hulyo 17 ang ilang mga bagong tricycle at business plates ng mga nagparehistro sa Pamahalaang Bayan ng Sariaya sa pangunguna ni Mayor Marivic T. Gayeta at ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) na pinamumunuan ni Mr. Rustico Laurilla Jr. na ginanap sa Bagong Munisipyo.

Ayon sa BPLO, nakipag-ugnayan na rin sila sa mga tricycle drivers at business owners upang makuha na rin iba pang business plates simula ngayong araw sa kanilang tanggapan. Hinihikayat rin nila ang lahat ng mga namamasadang tricycle drivers at negosyante na gawing legal at iparehistro ito sa lokal na pamahalaan para sa mas maayos na pagtutulungan para sa mas maunlad na Sariaya.

Add Comment