๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ป๐ฑ ๐ค๐๐ฎ๐ฟ๐๐ฒ๐ฟ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐๐ถ๐ฑ๐ฒ ๐ฆ๐ถ๐บ๐๐น๐๐ฎ๐ป๐ฒ๐ผ๐๐ ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ต๐พ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ ๐๐ฟ๐ถ๐น๐น

Nakiisa ang Pamahalaang Lokal ng Sariaya sa isinagawang Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa pangunguna ng Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Hunyo 18, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kultura ng kahandaan at kaligtasan sa harap ng mga sakuna.
Sa pagsisimula ng drill, agad na isinagawa ng mga opisyal at kawani ng LGU Sariaya ang tamang “Duck, Cover, and Hold” procedure, na sinundan ng maayos at organisadong paglikas patungo sa itinakdang evacuation area.
Pinangunahan ang aktibidad ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), Bureau of Fire Protection (BFP) โ Sariaya, Sariaya Municipal Police Station (MPS), at Southern Luzon Command Coast Guard, upang masubok ang kahandaan, koordinasyon, at kakayahan ng bawat ahensya sa pagtugon sa oras ng lindol at iba pang emergency.
Bilang bahagi ng isinagawang drill, nagkaroon ng iba’t ibang emergency response scenarios, kabilang ang pagliligtas sa mga biktima, rope rescue operations, at iba pang rescue interventions upang masubok ang kahandaan ng mga responder. Nagsagawa rin ang Bureau of Fire Protection โ Sariaya ng fire suppression at fire extinguishing demonstration bilang bahagi ng kabuuang emergency response simulation.
Layunin ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na mapalakas ang kamalayan ng publiko sa wastong mga hakbang bago, habang, at pagkatapos ng lindol, gayundin ang pagpapabuti ng koordinasyon at kakayahan ng mga ahensya sa pagtugon sa mga emergency. Bahagi ito ng patuloy na kampanya ng pamahalaan upang mabawasan ang panganib at maprotektahan ang buhay ng bawat mamamayan sa oras ng sakuna.


Add Comment